Saturday, January 15, 2011

What if?

Sera: Rena!

Rena: Huh? Ah! Sera!

Sera: I heard na dito ka na raw papasok.

Rena: Oo. Sabi kasi ni mama, dito na lang daw kami titira.

Sera: Oo nga pala, may coffee shop nga pala ang tito ko malapit dito. Gusto mo doon muna tayo.

Rena: Okay.

Nang nasa entrance na sila ni Rena, nakita ni Sera ang sign na nagsasabing: WANTED: WAITRESS PART-TIME/FULL-TIME

Sera: Rena, tingnan mo.

Itinuro ni Sera ang sign.

Rena: Bakit? Ano'ng meron diyan?

Sera: Diba bankrupt na kami ni Daddy, mag part-time nalang kaya ako dito para makatulong rin ako kay Daddy?

Rena: Sounds good.


At tuluyan nang pumasok si Rena at Sera sa coffee shop


Sera: Tito! Good afternoon po! 


Tito: Sera! Akala ko nakalimutan mo na ako.


Sera: Hindi naman po sa ganon tito. Siyanga pala tito, siya si Rena.


Rena: Good afternoon po.

Tito: Good afternoon din hija.

Sera: So, tito. Mag-a-apply sana ako dito bilang waitress sa coffee shop ninyo


Tito: Bakit ka pa mag-aaply hija? You've got a husband-to-be attending to your every needs.


Sera: Ano po bang pinagsasabi ninyo tito?


Tito: Hindi pa ba sinasabi ng daddy mo? He arranged you in a marriage with Kenneth Castillo!


Sera: What?


                                                       ***
Rena: Kenneth Castillo?


Sera: Bakit, kilala mo ba siya Rena?


Rena: Oo. Siya nga ang dahilan kung bakit pumayag ako kay mama na tumira dito kahit mahirap ang buhay dito.


Sera: Ano mo ba siya?


Rena: Ex ko.

 

Wednesday, October 27, 2010

Chapter 3: We meet again

Kasalukuyang nanonood ng T.V. si Sera ng katukun siya ng kanyang papa. 

Mr. Madrigal: May bisita ka anak. 

Sera: Sino po yon, pa?

Mr. Madrigal: Some girl named Serena.

Sera: Sige po, papa. Salamat.


Pagbaba ni Sera ay agad niyang nakita si Serena na naglilibot sa loob ng bahay nila.


Sera: Rena?


Rena: Sera! Kamusta ka na?


Sera: Rena, ikaw nga! okay lang naman ako, ikaw, kamusta na?

Rena: Eto, okay pa rin. Ang ganda ng bahay ninyo, ah


Sera: Salamat. Ano pala ang ginagawa mo rito?


Rena: Dito na raw kami titira, Sera! 


Sera: Mabuti naman. Halika, pasyal tayo. Pa, mamasyal muna kami ni Sera.


Mr. Madrigal: Okay, hija


Nagkakilala si Sera at Rena one year ago. They were both having their summer dance workshop. Kabilang sila sa iisang grupo kaya naging close sila. Sera was shy while Rena was outgoing. Minsan nga, nagtataka siya kung bakit sila nagkasundo kahit magkaiba ang kani-kanilang ugali. They never had a big fight. Tampuhan lang. Minsan nga ,nauuwi sa cold war. Pero, bukas na bukas rin, nagbabati na sila. Umiyak siya ng umiyak nang malapit ng matapos ang workshop. They promised each other na hindi pa rin mawala ang communication nila. 


Rena: Sige Sera, uuwi na ako


Sera: Sige, bye!


Rena: Bye!


Kinabukasan.......


Teacher: Class, we have a new student. Come in, introduce yourself


Rena: Hi, I'm Serena Rodriguez, you can call me Rena. I came from Tagaytay City.


Teacher: Rena, you can sit in the vacant chair over there.